MANILA, Philippines — Ginamit ng Petron ang kanilang eksperyensya para pataubin ang Cocolife, 25-14, 23-25, 15-25, 25-14, 15-13, para masungkit ang pang-siyam na panalo sa pagpapatuloy ng 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix kahapon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Nangibabaw ang talento ni American import Lindsay Stalzer sa fourth set sa pamamagitan ng paghataw ng tatlong sunod na atake upang tapusin ang laro sa mahigit dalawang oras at 30 minuto.
“We have come into this game knowing that we should win now. We played hard point for point and took advantage of every opportunity,” sabi ni Stalzer
Umiskor si Stalzer ng 22 puntos kabilang ang 21 atake at isang ace.
Si American import Hillary Hurley ay nagdagdag ng 11 atake, isang ace at isang block para sa Blaze Spikers.
Umani si Dimaculangan ng 40 excellent sets at dalawang atake para sa pagbangon mula sa kanilang straight sets loss sa Sta. Lucia Lady Realtors, 18-25, 21-25, 17-25, noong Huwebes.
Bukod kay Dimaculagan tumulong din ng walong atake, dalawang blocks at dalawang aces si Mika Reyes.
Humataw naman ng 20 puntos kabilang ang 19 atake at isang ace ang bagong import na si Marta Drpa ng Serbia, ngunit ang kanyang pagsisikap ay hindi pa sapat para maiwasan ang ikaapat na talo sa 10 laro ng Asset Managers.