Si Marcial na ba ang bagong kume?
Mula sa pagiging officer-in-charge, mukhang mapo-promote bilang full-fledged PBA commissioner si Willie Marcial.
Ayon sa aking source, majority number na ng PBA board members ang tingin ay kwalipikado si Marcial. At panukala nila na hirangin na siya bilang kapalit ni resigned commissioner Chito Narvasa. Una nang luma-bas si Blackwater team owner Dioceldo Sy na nagsabing ilalaban niya si Marcial para maupo sa puwesto.
“Let’s spare the league of trouble of finding a new commissioner. Meron na tayong taga-loob na qualified for the position,” ani Sy sa isang umpukan kasama ang ilang PBA sportswriters.
Malalaman sa PBA board meeting sa Jan. 26 kung uusad ang panukala na ito. Ang alam ko ay nag-aala-ngan si Marcial na masali sa search process dahil gusto niyang lumagi sa PBA ng matagal na panahon.
Mas hahaba nga naman ang magiging stint niya sa PBA bilang external affairs and media bureau chief lamang. Historically, maigsi ang hangganan ng commissionership.
Walong taon ang itinagal ng termino ni founding commissioner Leo Prieto mula 1975 hanggang 1983. Apat na taon ang kay Mariano Yenko (83-87), apat din ang kay Rudy Salud (88-92), isa kay Rey Marquez (92), siyam kay Jun Bernardino (93-2002), apat kay Noli Eala (2003-2007), tatlo kay Sonny Barrios (2007-2010), lima kay Chito Salud (2010-2015) at dalawa kay Narvasa (2015-2017).
In fairness kay Marcial, maayos ang arangkada ng kasalukuyang season sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang OIC. Aprubado ng marami ang balik ng PBA sa medyo pisikal na laro. At nakiliti ni Marcial ang marami sa kanyang gimik na surpresang pagbisita ng PBA sa mga barangay courts.
Marami na ang humihiling na mabisita rin ang kanilang lugar. Pero ang gusto ni Marcial ay pagbisita na walang anunsyo sa lugar na bibisitahin nila.
“Mas masaya ang feeling ng nasosorpresa,” ani future kume.
- Latest