Lions shoot sa finals
MANILA, Philippines — Nakopo ng defending champion San Beda College ang huling finals berth matapos maungusan ang season host San Sebastian College, 76-71 sa kanilang knockout match kahapon sa pagtatapos ng stepladder semifinals ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa MOA Arena.
Dahil sa panalo, naitala rin ng Red Lions ang kanilang ika-12 sunod na finals appearance at naitak-da ang pagtutuos nila ng walang talong Lyceum of the Philippines University sa best-of-three finals.
Sa kabila ng 19 na araw na break, hindi kinakitaan ng senyales na kinalawang ang Red Lions at sa katunayan, maaga silang nag-init at sinimulan ang laban sa pamamagitan ng 13-2 run.
Mula doon, naghabol na ang Stags hanggang sa makuha nilang dumikit sa third quarter makaraang ma-outscore ang Red Lions, 20-13 sa pamumuno ni Michael Calisaan para bumaba ang 11-point deficit, 44-33 sa halftime sa limang puntos na lamang sa pagtatapos ng third canto, 71-76.
“19 days off is tough. But I give full credit to my players because they sacrifice a lot in preparation for this game, “ pahayag ni San Beda coach Boyet Fernandez.
Nagtala ng monster game na 23 puntos at 22 rebounds si Javee Moving habang nagdagdag si Ro-bert Bolick ng 21 puntos at si Donald Tankoua ng 13 puntos at 11 rebounds upang pamunuan ang panalo.
Sa unang pagkakataon naman makalipas ang halos isang dekada ay nabigong pumasok ng finals ang San Beda College Red Cubs matapos silang mapatalsik ng fourth seed CSB-La Salle Greenhills, 110-108 sa naunang juniors game na umabot ng triple overtime.
Umiskor si Joel Cagulangan ng 29- puntos bukod sa tig-9 na rebounds at steals sa loob ng 51 minuto upang pamunuan ang panalo ng Junior Blazers.
Makakasagupa ng LSGH ang defending champion Mapua sa finals na isang best of 3 series simula sa Nobyembre 10 sa Araneta Coliseum. FML
- Latest