^

PM Sports

Magnolia humirit ng ‘do-or-die’ game 5

Russell Cadayona - Pang-masa
Magnolia humirit ng ‘do-or-die’ game 5
Ang isa sa mga pamatay na jumper ni Magnolia import Jabari Bird laban sa Rain or Shine sa Game Four ng kanilang quarterfinals duel.
PBA Image

MANILA, Philippines — Lalo pang magiging mainit at pisikal ang giye­ra ng Magnolia at Rain or Shine.

Ito ay matapos resba­kan ng Hotshots ang Elasto Painters, 129-100, sa Game Four para itabla ang kanilang quarterfinals series sa PBA Season 49 Governors’ Cup kahapon sa Ninoy Aquno Stadium sa Malate, Manila.

Nagpasabog si Paul Lee ng 25 points kasama ang tatlong 4-point shots para tulungan ang Magnolia sa pagbalikwas mula sa 106-111 overtime loss sa Game Three ata idikit sa 2-2 ang best-of-five duel ni­la ng Rain or Shine.

May 30 markers si im­port Jabari Bird.

Nakatakda ang Game Five sa Sabado.

Mula sa 28-28 tabla sa first period ay humataw ang Hotshots sa second quarter para kunin ang 62-44 halftime lead.

Tuluyan nang nalugmok ang Elasto Painters sa 89-117 sa hulng 5:19 mi­­nuto ng fourth period.

Samantala, sinuspinde ng PBA Commissioner’s Office sina referees Peter Balao at Joel Baldago da­hil sa maling desisyon sa laro ng Converge at San Mi­guel sa Game Three.

Unang tinawagan si Alex Stockton ng Fiber­Xers flagrant foul penalty two dahil sa pagsiko sa muk­ha ni Beermen guard Kris Rosales.

Ngunit ito ay ibinaba sa flagrant foul penalty one kaya hindi nasibak sa laro si Stockton.

Si Stockton ang kuma­na ng game-winning shot sa 114-112 panalo ng Converge sa San Miguel.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with