^

PM Sports

Phl athletes handa na para sa Malaysia SEAG

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang handa na ang mahigit 498 atletang Pinoy na haharapin ang hamon sa 29th Southeast Asian Games simula  Agosto 19 hanggang 30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tangan ang malaking puso, hangad ng Team Philippines na lampa-san ang 6th place finish noong nakaraang 2015 edisyon sa Singapore kung saan umani lamang ng 29 gintong medalya.

Bukod sa mga atleta, kasama rin sa Philippine delegation ang mahigit 163 coaches at mga 100 opis-yales mula sa Philippine Olympic Committee at national sports associations.

“We’re ready to battle. Everybody is upbeat and ready to compete.,” sabi ni Philippine delegation Chief of Mission Cynthia Carrion.

Sa nauna niyang pahayag, nangako ang presidente ng Gymnastics of the Philippines na si Carrion ng mahigit 50 gintong medalya, ngunit ayon sa kanya target na ngayon ng Team Philippines ang 63 gold medals mula sa Kuala Lumpur Sea Games.

“But after conferring with NSA leaders and coaches, they promised to deliver at least 63 gold me-dals,” dagdag ni Carrion. “My personal goal is at least 50 gold medals.”

Inaasahang magmula sa tradisyonal goldmines ang mga nasabing gold kagaya ng athletics, boxing, triathlon, taekwondo, judo at billiards at sa mga team sports na men’s basketball at rugby sevens.

Unang dumating sa Kuala Lumpur ang  mga windsurfers para masubukan muna ang kanilang mga bagong equipments. Sumunod naman ang mga miyembro ng netball, sepak takraw at football teams dahil maagang mag-uumpisa ang kanilang mga events.

Ang national men’s Under-23 football squad ay haharap sa Cambodia sa Selayang Stadium habang ang women’s team ay lalaban naman sa Malaysia sa una nilang laro sa UiTM Shah Alah Stadium.  Ang national netball squad ay lalaban naman sa Thailand bukas.

Sa Miyerkules naman ay sasabak na rin ang sepak-takraw at inaasahan ding manalo agad ng dalawang gintong medalya sa archery sa Miyerkules din.

Ayon kay Philippine Sports Commission  exe-cutive director at SEA Games task force chief Atty. Carlo Abarquez, ang mga atleta ng muay thai, squash, swimming, volleyball, basketball, judo, tennis at triathlon ay aalis sa Sabado para sa ope-ning ceremonies.

“The main bulk of the Team Philippines will be arriving in Kuala Lumpur on the 19th,” ani Abarquez.

Si Olympian Eric Shawn Cray ay didiretso na sa Malaysia mula sa London kung saan siya sumali sa IAAF World Athletics Championships.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with