UST inihulog ang FEU sa 3rd spot

MANILA, Philippines -  Inilaglag ng University of Sto. Tomas sa third place ang Far Eastern University-Diliman matapos kunin ang 54-52 panalo sa juniors division ng UAAP Season 79 basketball tournament kahapon sa San Juan Arena.

Tumapos na may 20 points si CJ Cansino para sa Tiger Cubs na umangat sa 4-7 at palakasin ang kanilang tsansang maagaw sa Ateneo Blue Eaglets ang huling puwesto sa Final Four.

Dahil sa pagkatalo ng Baby Tamaraws (8-3) ay nasolong muli ng nagdedepensang Nazareth School of National University ang ikalawang puwesto sa standings matapos talunin ang nangungu-lelat na University of the East, 107-56.

Nagtala ng 15 points si John Lloyd Clemente para sa Bullpups upang bumawi matapos ang da-lawang sunod na larong hindi siya nakaiskor ng double-figures upang iakyat ang NU sa 9-2.

Sa iba pang laro, lumaki ang tsansa ng Adamson Baby Falcons para sa ‘twice-to-beat’ incentive nang kanilang tambakan ang La Salle-Zobel sa iskor na 78-51. FMLumba

 

Show comments