MANILA, Philippines - Magiging krusyal sa apat na koponan ang ka-nilang mga laro ngayon.
Kapwa hangad ng TNT Katropa at Globalport ang silya sa quarterfinal round, habang magpapatibay ng kanilang pag-asa ang Blackwater at Star.
Magtutuos ang Tropang Texters at Batang Pier ngayong alas-7 ng gabi matapos ang pagkikita ng Elite at Hotshots sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Parehong target ng TNT Katropa at Star ang kanilang ikalawang sunod na panalo, samantalang magpipilit namang makabangon sa kanilang kabiguan ang Batang Pier at Elite.
Ang nagdedepensang San Miguel at Phoenix pa lamang ang nakasikwat ng tiket sa eight-team quarterfinal round mula sa kanilang 9-1 at 6-4 record, ayon sa pagkakasunod.
Sa tournament format, ang Top Two teams ang kukuha ng ‘twice-to-beat’ incentive laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkakasunod.
Maghaharap sa best-of-five quarterfinals series ang No. 3 at No. 6 at ang No. 4 at No. 5.
Nagmula ang TNT Katropa sa 104-92 panalo laban sa Mahindra noong Enero 18.
“I'm not so much sa-tisfied with the game but on the effort of the players to find a way to deliver a positive outcome,” ani coach Nash Racela sa kanyang Tropang Texters na haharap sa Batang Pier na nakatikim ng 100-106 kabiguan sa Beermen.