Yee, Cone, Compton pinagmulta ng PBA
MANILA, Philippines - Ibilang na sina Mahindra defender Mark Yee at coaches Tim Cone ng Barangay Ginebra at Alex Compton ng Alaska sa mga pinakabagong pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office sa kasalukuyang 2017 Philippine Cup.
Pinatawan si Yee ng multang P25,000 dahil sa kanyang flagrant foul penalty two kay Meralco sophomore guard Baser Amer na nagresulta sa kanyang pagkakasibak sa larong naipanalo ng Floodbusters laban sa Bolts, 105-92.
Pinagmulta din si Meralco forward Cliff Hodge ng P3,000 dahil sa flopping sa kanilang laro ng Mahindra habang ang kanyang kakamping si Justin Chua ay pinagbayad ng P7,500 bunga ng kanyang flagrant foul penalty (landing spot).
Ang iba pang players na pinatawan ng multa ay sina Kevin Alas (P5,000) ng NLEX dahil sa ‘tripping foul’ sa kanilang laro ng Globalport noong Biyernes at Vic Manuel (P5,000) ng Alaska bunga ng flagrant foul penalty one sa kanilang bakbakan ng Blackwater.
Samantala, si Cone ay pinagbayad ng P5,000 dahil sa pag-entra sa court nang magkapormahan sina Hodge at rookie Kevin Ferrer sa Ginebra-Meralco game noong Sabado sa Iloilo kung saan tinalo ng Gin Kings ang Bolts, 83-72.
Si Compton ay pinagmulta ng P6,000 dahil sa pang-aasar sa mga re-ferees sa 97-90 overtime win ng Aces laban sa Star Hotshots.
- Latest