MANILA, Philippines - Pinaghandaan nang husto ng University of Sto. Tomas at Pocari Sweat ang kanilang pagtatagpo bukas sa hu-ling araw ng elimination round sa Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena ng Pasig City.
Ang Tigresses at Lady Warriors ay magkasosyo sa liderato sa parehong 5-1 kartada bago ang kanilang pag-haharap sa alas-6 ng gabi, habang kumpletu-hin naman ng pag-apat na BaliPure (4-2) ang kanilang elimination round assignment kontra sa wala pang pana-long Philippine Coat Guard (0-6) sa alas-4 ng hapon.
Magtutuos naman ang Champion Supra at Philippine Air Force sa alas-12:30 ng tanghali sa Spiker’s Turf Reinforce Conference sa pa-rehong venue.
Alam ng UST at Pocari ang importansiya ng kanilang huling laro sa elimination round.
Bukod sa top spot ng standings ay makakamit din ng mananalo ang momentum patungo sa best-of-three semifinal series.
Makaharap ng No. 1 team ang No. 4 qualifier sa semis, habang mag-haharap ang No. 2 at No. 3 sa isa pang semis match ng season-ending conference.
Ang tanging talo lamang ng Pocari ay sa mga kamay ng Philippine Air Force na uma-bot ng limang sets noong Oct. 5, habang ang UST ay natalo sa Bureau of Customs noong Oct. 15.
Malaki rin ang benta-he sa Pocari dahil mayroon silang dalawang Amerikanong imports na sina Breanna Lee Mackie at Kay Kacsits at mga beteranong local players na sina Michelle Gumabao. Myla Pablo, Elaine Kasila at Fil-Am setter na si Iris Tonelada.
Kahit walang import ang UST Tigresses ay nagawa pa rin nina EJ Laure, Marivic Mene-ses, Carla Sandoval, Pam Lastimosa, Chlodia Cortez at Cherry Rondina na iangat ang laro sa mataas na level.
Sa ibang laro, hangad ng BaliPure na makaba-ngon agad sa talo nila sa Pocari noong Sabado sa kanilang paghaharap laban sa Philippine Coast Guard.
Hanggang sa huling araw ng eliminations ay ang UST (5-1), Pocari (5-1), Bureau of Customs (5-2) at BaliPure (4-2) ang nakapasok sa semis.
Target ng Lady Warriors ang ikalawang sunod na kampeonato ma-tapos talunin ang Air Force Lady Jet Spikers sa Finals ng nakaarang Open Conference.
Ang UST ang most winningest team ng liga sa kanilang anim na titulo.