Grand Slam puntirya ng Perpetual Junior Altas
MANILA, Philippines – Ilang araw matapos angkinin ang kanilang ikalawang sunod na NCAA juniors title, nakatutok kaagad ang Perpetual Help sa kanilang ‘Grand Slam’.
“That will be our next goal, to win a third straight championship,” wika ni Perpetual Help coach Sandy Rieta, iginiya ang Junior Atlas sa pagwalis sa Emilio Aguinaldo Brigadiers sa 81st NCAA junior volleyball championship series.
Nagbida sina team captain Jody Margaux Severo at Darwin John Salaposo sa 25-21, 22-25, 19-25, 25-16, 15-11 panalo ng Perpetual Help laban sa EAC sa The Arena sa San Juan City.
“The boys showed heart. We were down but they never panicked and adjusted well,” wika ni Rieta.
Ito ang pang-walong NCAA title ng Junior Altas sa ilalim ng league-best na 15 crowns ng San Sebastian Junior Stags.
“We’re proud of what the team has accomplished,” ani Perpetual Help Policy Board member Anthony Tamayo.
Abot-kamay na ng Perpetual Help ang pagwalis sa elimination round, ngunit ipinagkait ito sa kanila ng EAC.
Pinadapa ng Junior Altas ang Brigadiers sa kanilang playoff para sa No. 1 spot at binigo ang San Beda Red Cubs sa five sets sa Final Four.
Winalis ng Perpetual Help ang EAC, 2-0, sa kanilang title series.
“It doesn’t matter if it’s a sweep or not. We just want to win the championship,” sabi pa ni Rieta.
- Latest