Wala pa rin si June Mar
MANILA, Philippines – Sa kabila ng mala-king tsansa na muling mapagharian ang PBA Philippine Cup sa ikalawang sunod na pagkaka-taon, hindi isusugal ni San Miguel coach Leo Austria ang playing career ni back-to-back PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo.
Ito ay kahit na lugmok ang Beermen sa 0-2 sa kanilang best-of-seven championshop series nila ng Alaska Aces.
“There’s a lot of championships ahead of him, and the management understands,” sabi ni Austria nang makausap ang 6-foot-10 na si Fajardo, nagkaroon ng hyperextended left knee sa Game Six ng semifinals series ng Beermen at Rain or Shine Elasto Painters.
Ang hindi paglalaro ng Cebuano giant ay sinamantala ng Alaska nang angkinin ang 100-91 at 83-80 panalo sa Game One at Game Two, ayon sa pagkakasunod, para iposte ang malaking 2-0 kalamangan sa kanilang serye.
Sinabi ni Austria na hindi siya magdadala-wang-isip na muling iupo si Fajardo sa laro ng Beermen at Aces sa Game Three bukas sa Quezon Convention Center sa Lucena.
“The way I see it, he’s not one-hundred percent so with his situation, he won’t help the team. I’m sure he will try, but I don’t want to take any risks,” wika ni Austria.
Sina 6’8 Yancy De Ocampo at power forward Gabby Espinas ang sumapo sa naiwang trabaho ni Fajardo sa shaded lane para sa San Miguel.
Sa bitbit na 2-0 bentahe sa serye, pumapanig sa Alaska ang kasaysayan.
Sa istatistiko, ang 37 sa 43 koponang kumuha ng 2-0 bentahe ay nagtuluy-tuloy sa pag-angkin sa serye.
- Latest