19 continental teams nais lumahok sa 2016 Le Tour De Filipinas

MANILA, Philippines - Inaasahang muling magiging hitik sa aksyon ang pang-pitong edisyon ng Le Tour de Filipinas dahil sa pagnanais ng 19 continental at tatlong club teams na makasali sa tanging Internatio-nal Cycling Union (UCI)-calendared road race sa bansa.

“We get requests for invitation from all over the world in each edition of the Le Tour de Filipinas,” sabi ni Donna Lina, ang president ng race organizer na Ube Media Inc.. “This goes to show that racing in the Philippines is not only about the level of competition, but also the fun that the event brings with it.”

Kabilang sa mga gustong sumabak sa karerang nakatakda sa Pebrero 18-21, 2016 ay ang mga koponan mula sa United States, Europe at Asia.

Ang tatlo namang Philippine teams na 7-Eleven Road Bike Philippines (continental), PhilCycling National Under-23 Team at Cebu Cycling Team (club) ay lalahok din sa nasabing Category 2.2 race (multi-stage road race) na papadyak sa 600 kilometro mula sa Antipolo City sa Rizal Province hanggang sa Legaspi City sa Albay na magtatampok sa Mayon Volcano bilang backdrop sa hu-ling dalawang yugto ng karera.

Hahataw ang Stage One sa February 18 mula sa Antipolo City patungo sa Lucena City sa Quezon Province, habang ang Stage Two ay pakakawalan sa Lucena City at magwawakas sa Daet, Camarines Norte.

Papadyak ang Stage Three ay nakatakda sa Daet at magtatapos sa Legaspi City at ang Stage Four ay pepedal sa Legaspi City.

Naghihintay din ng imbitasyon para sa Le Tour de Filipinas ang mga continental teams na Minsk Cycling Club (Belarus), Skydive Dubai Pro Cycling Team (Uni-ted Arab Emirates), Team Sauerland p/b Henley & Partners (Germany), Team LVShan Landscape (China), GM Cycling Team (Italy), Dynamo Cover Pro Cycling Team (France), Kinan Cycling Team (Japan), Kenyan Riders Down Under (South Africa), Team Veral Classic (Belgium) at Alpha Baltic Maratoni Cycling Team (Latvia).

Inaasahan ding babalik sa kompetisyon ang Team Ukyo (Japan), Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan), Team Novo Nordisk (USA), LX Cycling Team (Korea), Team Arbo Denzel Cliff (Austria), CCN Cycling Team (Laos), Dutch Global Cycling Team (Netherlands), Korail Cycling Continental Team (Korea), Attaque Team Gusto (Taiwan) at Pegasus Continental Cycling Team (Indonesia) na mga continental teams.

Handa ring sumali ang mga club teams mula sa Britain (Archive Northside Skinnergate Team) Lithuania (Team Baltik Vairas) at Australia (Oliver’s Real Food Racing Team).

 

Show comments