Ravena ‘di pa sigurado sa Gilas

MANILA, Philippines – Aminado si two-time UAAP MVP Kiefer Ra­vena na ‘suwerte’ na lamang kung mapabilang si­­ya sa Final 12 ng Gilas Pilipinas na naghahanda para sa 2016 World Olympic Qualifiers.

“I’m not really expec­ting to be in the lineup I just want to enjoy and improve everytime,” wika ni Ravena.

Ang dating Ateneo skip­per ay isa sa tatlong var­sity stalwarts na hiniling ni Gilas coach Tab Baldwin na sumama sa ka­nilang practice noong na­karaang Lunes sa Me­ralco Gym sa Pasig City.

Ang dalawa pa ay sina dating University of Santo Tomas gunner Kevin Ferrer at Far Eastern University forward Mac Belo.

Labis na pinahalagahan ni Ravena ang pagkakataong makasama siya sa ensayo ng Gilas Pilipinas.

“I’m so blessed to be able to do that – train with the best. It’s big for me because this is the highest level, cream of the crop of the PBA,” sabi ni Ravena.

Idinagdag ni Ravena na sa ensayo ng Gilas Pilipinas niya nakakasabayan ang ilang PBA players na kanyang hinahangaan.

“Practicing with Gilas allows me to have a little gauge of where I am right now compared to the pros so I’m really far from that,” ani Ravena.

“The game is really dif­ferent already, I have a lot of things to adjust to, weaknesses to address. At this stage, it’s not about making an impact in the PBA, it’s more about lengthening your stay be­cause of the quick turnover of talents.”

Show comments