PHILADELPHIA – Napanalunan ni Kobe Bryant ang puso ng mga fans, ngunit hindi ang laro ng Los Angeles Lakers laban sa Philadelphia 76ers.
Ibinigay ang spotlight kay Bryant sa final game ng kanyang career sa siyudad kung saan siya isinilang, dinaig ng Sixers ang Lakers, 103-91.
Habang nakatutok ang spotlight kay Bryant sa final game ng kanyang career sa kanyang pinagmulan na Philadelphia, inagaw ng Sixers ang atensiyon sa pagkopo ng kanilang kauna-unahang panalo sa season matapos ang 0-28 record simula noong nakaraang season.
Nanatili ang Sixers na katabla sa worst start sa NBA history ang New Jersey Nets team na minalas sa simu-la ng 2009-2010 season sa kanilang magkaparehong 0-18 start.
Ito ang unang panalo ng Sixers sapul noong March 25 sa Denver.
Binuksan ni Bryant, lalaro ng kanyang ika- 20-year season na huli na nito matapos ihayag ang pagreretiro, ang first leg ng kanyang farewell tour sa kanyang hometown at naging maganda ang pagtanggap sa kanya na karaniwang ibinibigay sa mga kinikilalang players ng Sixers.
Pumukol ng tres si Bryant sa opening tip at umiskor uli ng tres sa sumunod na possession. Nagtala si Bryant ng 3 for 3 at sumigaw ang mga Philly fans ng “M-V-P!’’ matapos magpamalas ng impresibong performance.
Umiskor si Bryant ng 20 points sa 7-of-26 shooting at may apat na tres.
Sa Cleveland, umiskor si John Wall ng season-high na 35 points at ipinalasap ng Washington Wizards sa Cleveland Cavaliers ang una nitong home loss sa season sa 97-85 panalo.
Iniskor ng Wizards ang unang 10 points ng laro at naglunsad ng 9-0 atake sa second half para wakasan ang kanilang four-game losing slump.
Umiskor si LeBron James ng 24 points para sa Cavaliers na nalasap ang una nilang kabiguan sa Quicken Loans Arena ngayong season matapos magtala ng 10-0 record.