^

PM Sports

Mga katutubong laro bubuhayin ng Accel

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ibabalik ng Accel ang tradisyunal na laro ng mga Pinoy sa pamamagitan ng novelty project na ‘Laro Tayo.’

Hangad ng Accel na maibalik ang mga tradisyunal na laro kagaya ng tumbang preso, luksong kalabaw, patin-tero at larong tinik at ipakilala muli sa bagong henerasyon na abala ngayon sa internet at social media.

Pormal na ilulunsad ng nangungunang Filipino-owned sports apparel ang proyekto sa Nov. 30.

“Our kids spend most of their time tinkering with their gadgets or sitting inside an internet café for countless hours. They have less physical activities nowadays, so let’s bring back the popularity of our traditional games,” sabi ni Accel president Willie Ortiz sa weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

“Parents have to do something about this, dapat i-transfer natin ito sa mga bata. Nakakalimutan yung good games na laro noong araw, so we just  want to stimulate yung mga laro natin noon,” dagdag pa nito.

Samantala, inilunsad din ng  sports apparel ang Accel Quantum Plus na sesyon na inihahandog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel at ng Philippine Amusement and Gaming Corp.

Ang Quantum Plus ay isang scaler technology na tumututok sa high energy level ng isang atleta sa kabila ng matinding physical activity.

ACCEL QUANTUM PLUS

ACIRC

ANG QUANTUM PLUS

ATILDE

HANGAD

LARO TAYO

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORP

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SAN MIGUEL CORP

SHAKEY

WILLIE ORTIZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with