Juico hinirang na chairman ng School and Youth Commission
MANILA, Philippines - Pormal na iniluklok ng Asian Athletics Association president si Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico bilang chairman ng School and Youth Commission.
Ito ang naging tampok sa pamamahala ng PATAFA sa 83rd Asian Athletics Association (AAA) Council Meeting na dinaluhan ng 20 athletics head mula sa 20 bansa sa Solaire Resort and Casino.
“All AAA officials in attendance led by president Dahlan Al-Hamad of Qatar has expressed admiration on how the meeting was organized. This is a huge honor for the country because once again the Philippines was given the distinction as a prime mover in athletics in Asia,” sabi ni Juico.
Muling nalagay sa Asian athletics stage ang Pilipinas sapul nang pangunahan ni Governor Jose Sering ang pagbuo sa 4A’s noong 1973 at ang pagsasagawa ng unang Asian Athletics Championships sa Rodriguez Sports Center sa Marikina.
Ito ang ikaapat na pagkakataon na pinamahalaan ng PATAFA ang AAA council meeting matapos noong 1993 at 2003 sa ilalim ni dating PATAFA chief Go Teng Kok.
Ang School and Youth Commission ang magbibigay sa AAA ng general advice kaugnay sa mga aspeto sa partisipasyon ng mga paaralan at kabataan sa athletics sa buong mundo.
Ibabahagi rin ng komisyon ang mga up-to-date policies para sa mga athletics programmes para sa school at youth athletes sa Asia.
Kaugnay nito, pamumunuan din ni Juico ang working group na siyang magrerebisa sa 2013-2017 Strategic Plan ng AAA.
- Latest