Steve Kerr hindi pa puwedeng mag-coach

Steve Kerr

OAKLAND, Calif. – Hindi makakasama si coach Steve Kerr ng Golden State Warriors sa kanilang season opener sa patuloy nitong pagrerekober mula sa nooperahan niyang likod.

Sinabi ni General manager Bob Myers sa mga reporters nitong Sabado na si interim coach Luke Walton ang magmamando ng team para sa season opener laban sa New Orleans nitong Martes ng gabi sa Oakland.

Ngunit sinabi ni Kerr na naroroon siya para sa banner-raising ceremony  pero hindi pa siya handang mag-coach.

Kahit nagsimula na ang training camp, hindi pa nagko-coach si Kerr dahil ayaw niyang magkaroon ng komplikasyon ang kanyang naoperahang likod.

Matapos makopo ang NBA title noong nakaraang season sa rookie year ni Kerr, hindi pa alam ng Warriors kung kailan siya babalik.

Show comments