^

PM Sports

FEU, UST tabla pa rin

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagpasok ng mahaha-lagang triples si Mike Tolomia habang may krusyal na steal si Francis Tamsi sa huling mga segundo para kunin ng FEU Tamaraws ang 61-59 pa-nalo sa National University Bulldogs sa pagtatapos ng unang round ng eliminations ng 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang unang pagkikita ng dalawang paaralan na naglaban sa titulo noong nakaraang taon at naibaon kahit paano ng Tamaraws ang sakit ng pagkatalo sa Bulldogs para manatili sa liderato sa 6-1 karta.

“It’s a good feeling to defeat the champs,” wika ni Tamaraws coach Nash Racela. “We knew it will be tough game but we played it correctly.”

Tumapos si Tolomia taglay ang 19 puntos at 15 rito ay ginawa niya sa se-cond half. Tatlong triples ang kanyang ibinagsak sa huling yugto tampok ang magkadikit na tres matapos magtabla ang score sa 52-all sa huling 2:45 ng labanan para sa anim na puntos bentahe.

Bumalik pa ang Bulldogs sa 61-59 sa triple ni Kyle Neypes at dalawang free throws ni Gelo Alolino at nagkaroon ng pagkakataon na maitabla ang laro nang sumablay si Tolomia.

Pero mabilis na naagaw ni Tamsi ang mahinang pasa ni Alfred Aroga sa huling dalawang segundo at kahit naisablay ang dalawang free throws ay hindi nagkaroon ng magandang tira ang NU para wakasan ang first round na may 3-4 baraha.

Si Aroga ay mayroong 17 puntos at 14 rebounds ngunit ang 11 puntos at 9 rebounds ay ginawa niya sa first half para hawakan ng Bulldogs ang 34-29 kalamangan.

Nanlamig ang NU sa third period at naisablay ang naunang 11 field goals para pakawalan ng FEU ang 16-6 palitan at kunin ang 45-40 agwat papasok sa huling yugto.

Gumawa naman ng career-high na 34 puntos si Ed Daquioag para tulu-ngan ang UST Tigers sa 83-76 panalo sa UE Red Warriors sa unang laro.

May 12 puntos ang beteranong player ng Tigers sa huling yugto tampok ang isang free throw at drive matapos dumikit ang Warriors sa  73-71, upang makasalo pa rin ang Tigers sa unang puwesto sa 6-1 karta.

Si Paul Varilla ay mayroong 25 puntos para sa Warriors na natalo sa ikalimang sunod na pagkakataon tungo sa 2-5 baraha.

UST 83 – Daquioag 34, Ferrer 14, Vigil 14, Abdul 9, Sheriff 5, Lee 5, Lao 2, Abdurasad 0, Bonleon 0, Caunan 0, Faundo 0, Garrido 0, Subido 0.

UE 76 – Varilla 25, Javier 12, De Leon 8, Palma 8, Batiller 5, Charcos 5, Sta. Ana 4, Abanto 3, Derige 2, Gagate 2, Manalang 0, Gonzales 0, Pe-nuela 0, Yu 0.

Quarterscores: 26-12, 44-33, 60-56, 83-76.

FEU 61 – Tolomia 19, Belo 9, Pogoy 7, Ru. Escoto 5, Arong 4, Jose 4, Orizu 4, Tamsi 4, Trinidad 3, Ri. Escoto 2, Comboy 0, Ebona 0, K. Holmqvist 0, S. Holmqvist 0, Iñigo 0.

NU 59 – Aroga 17, Alolino 10, Neypes 10, Alejandro 7, Javelona 4, Morido 4, Abatayo 3, Salim 2, Tansingco 2, Diputado 0, Javillonar 0.

Quarterscores: 13-11; 29-34; 45-40; 61-59. (AT)

vuukle comment

ACIRC

ALFRED AROGA

ANG

DE LEON

ED DAQUIOAG

ESCOTO

FRANCIS TAMSI

PARA

STRONG

TAMARAWS

TOLOMIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with