Tigers sumosyo uli

Tinangkang makaiskor ni Karim Abdul ng UST laban sa tatlong Archers na sina Larry Muyang, Jason Perkins at Joshua Torralba. PM Photo Jun Mendoza

MANILA, Philippines – Kinapitan ng UST Tigers ang matatalim na kuko ng mga bench players para makaba-ngon mula sa mahinang panimula tungo sa 77-61 pangingibabaw sa La Salle Archers sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sina Janus Suarez at Louie Vigil ang nagpasi-mula sa pagbangon ng Tigers mula sa 14-puntos na pagkakalubog hanggang sa paglayo ng koponan para makatabla uli sa pa-hingang FEU Tamaraws sa liderato sa 5-1 baraha.

Tumapos si Suarez taglay ang tatlong triples tungo sa siyam na puntos at sila ni Vigil ay may tig-dalawang tres para sa pitong 3-pointers sa ikatlong yugto upang hawakan pa ng UST ang 60-46 kalamangan.

Hindi nagawang tapu-sin ni Suarez ang labanan nang ma-sprain ang kaliwang sakong pero bumalik ang na-foul trouble sa first half na si Kevin Ferrer at nakabawi ito nang angkinin ang unang 10 puntos ng Tigers sa huling yugto at ikasa ang pinakamalaking kalamangan sa laro na 19 puntos, 70-51.

May nangungunang 17 puntos,  kasama ang tatlong tres, si Ferrer, habang sina Karim Abdul, Ed Daquioag at Vigil ay naghatid pa ng 13 11 at 10 puntos para tapusin din ng UST ang apat na sunod na panalo ng La Salle sa kanilang head-to-head match-up.

“Ang ipinaiiral namin ay isang family kami,”pagdidiin ni Tigers coach Bong dela Cruz kung bakit solid ang pagtutulungan ng kanyang mga manlalaro.

Ikatlong pagkatalo matapos ang anim na laro ito para sa Archers at hindi nila napangatawanan ang maagang paglayo na kung saan abante sila ng 14 puntos, 33-19 sa huling 3:39 ng pangalawang yugto.

Pero hindi na sila nakaiskor at sina Abdul, Sua-rez at Vigil ay nagtulong sa 12-0 run para makuha ang momentum sa laro.

Bumalikwas naman agad ang Ateneo Eagles mula sa pagkatalo sa hu-ling laro gamit ang 56-43 panalo sa UP Maroons sa unang laro.

Ito na ang ika-12 sunod na panalo ng Eagles sa Maroons.

Ikaapat na sunod na kabiguan ito ng UP sa season at ininda nila ang kawalan ng puntos ng kanilang kamador na si Jett Manuel. (AT)

Show comments