BEST Center 3x3 cagefest sa Nov. 15

MANILA, Philippines - Idaraos ng Basketball Efficiency Scientific Training (BEST) katulong ang Milo Ready to Drink ang unang BEST Center 3x3 tournament sa Nov. 15 sa Ateneo de Manila covered courts.

May kabuuang 128 teams na binubuo ng 512 players ang makikibahagi sa one-day event para sa mga players na edad 15-under at 12-under.

Unang pagkakataon ito na magkakaroon ang BEST Center, isang grassroots basketball program na itinatag ni Nic Jorge noong 1978, ng 3x3 event.

“We’ve been thinking about this for a long time as part of basketball’s development program but it’s only now that we found the right sponsor,” sabi ni Jorge na panauhin kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate. Sinabi ni Jorge, dating Philippine team head coach na ang event na ito ay alinsunod sa programa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

Dumating din sa Forum na suportado ng Shakeys, Accel, San Miguel Corporation at Pagcor sina BEST Center tournament ma-nager Edwin Barber, Milo sports executive Robbie de Vera at Nestle Philippines marketing promotions and events executive Raine Capadocia.

May mga lahok na koponan mula sa Metro Manila, Baguio, Pangasinan, Pampanga at Lucena sa event na ayon kay Jorge ay hindi limitado sa school teams.

“Our partnership with BEST Center is part of Milo’s endeavor supporting grassroots program,” ani De Vera na nagsabi ring ang kanilang partnership sa BEST ay para sa limang taon. “Of course, there are plans to expand. When Milo gets into something it’s always for the long term.”

Show comments