^

PM Sports

NU at FEU paborito sa 78th UAAP

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinukoy ang National University Bulldogs at FEU Tamaraws, naglaban sa nakaraang UAAP Fi­nals, bilang mga paboritong koponan na  mag-uuwi sa 78th UAAP men’s bas­ketball title na mag­sisimu­la sa Sabado sa Smart Ara­neta Coliseum.

Tanggap naman nina Bulldogs’ coach Eric Al­ta­mirano at Tamaraws’ mentor Nash Racela ang ipinupukol na mataas na ekspektasyon sa kanila.

“Ganoon naman talaga kapag galing sa championship and we just have to embrace that tagged. But, the way I look at it, all teams ay may mga bago and I just hope that my veterans will be able to lead our team. And the hunger to win, hindi dapat ito mawala,” wika ni Alta­mirano na nabawasan ng mga beterano sa pangu­nguna ni Troy Rosario.

Ang 6-foot-7 center ay  kasama sa Gilas Pilipinas at nakatakdang maglalaro sa Talk ‘N Text sa PBA.

Siyam na beterano na nag­laro sa Season  77 Finals ang babalik para sa FEU para masabing matibay na matibay ang laban ng Tamaraws.

“Kung iyon ang tingin nila, salamat. In a way, so­lid ang core namin dahil mga beterano.  Pero na­wala na sa amin sina An­thony Hargrove at Bryan Cruz na malalaking pla­­yers so ang dapat na­ming makita ay ang contri­but­ions ng mga bagong pla­yers,” ani Racela.

ACIRC

ANG

BRYAN CRUZ

ERIC AL

GILAS PILIPINAS

N TEXT

NASH RACELA

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SHY

SMART ARA

TAMARAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with