Perlas pinatumba ang Sri Lanka

MANILA, Philippines – Ipinoste ng Perlas Pi­lipinas ang kanilang ika­lawang sunod na pana­lo matapos pabagsakin ang Sri Lanka, 65-45, sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship Level 2 sa Wuhan, China.

Tumipa si Shelley Anne Gupilan ng 15 points, habang kumolekta si Ewon Arayi ng 9 points at 6 steals para sa mga Fi­lipina cagebelles.

Nauna nang nanalo ang Perlas Pilipinas ng isang come-from-behind 68-67 victory kontra sa North Korea noong Linggo.

Itinaas ng Perlas Pi­lipinas ang kanilang kar­tada sa 2-1 matapos ma­bigo sa Malaysia, 64-71, no­ong Sabado.

Hangad ng mga Pinay na tumapos sa top two pa­ra makaakyat sa Level 1.

Kumamada ang Perlas Pilipinas ng 17 sunod na puntos sa second quarter para iwanan ang mga Sri Lankans sa 36-20.

Nakatakdang harapin ng mga Pinay ang Hong Kong ngayon.

PERLAS PILIPINAS 65 – Gupilan 15, Arayi 9, Sam­bile 9, Resultay 7, Borja 6, Bernardino 6, Lim 4, Tongco 4, Miranda 3, Roman 2, Animam 0.

Sri Lanka 45 – Silva 10, Don Thalagala 9, Juwan Pedige 7, Beruwalage 6, Gu­nawijeya 5, Rajapakse 4, Ekanayake 4, Wannia­chchige 0, Perera 0, Gallage 0, Thewahettige 0.

Quarterscores: 14-14; 36-20; 46-29; 65-45.

Show comments