Perlas tinakasan ang North Korea

MANILA, Philippines - Bumangon ang Perlas Pilipinas mula sa naunang kabiguan matapos talunin ang North Korea, 68-67, para sa kanilang unang pa­nalo sa 2015 FIBA Asia Women’s Championship Level II kahapon sa Wuhan, China.

Kumamada si Cindy Resultay ng 14 points sa fourth quarter, kasama ri­to ang krusyal na three-point play sa huling 40 se­gundo  para sa 68-66 abante ng Perlas Pilipinas kontra sa North Korea.

Ang split naman ni Jang Mi Gyong ang nag­di­kit sa North Korea.

Nagsalpak si Resultay ng dalawang tres sa final canto para sa Nationals na unang natalo sa Malaysia, 64-71.

Pi­na­tumba naman ng Kazakhstan ang Malaysia, 73-65, para sa ka­ni­lang 2-0 record.

Makakaharap ng Per­las Pilipinas ngayon ang Sri Lanka at hangad ang ka­nilang ikalawang sunod na panalo sa torneo.

Umiskor din si Allana May Lim ng 14 puntos ka­sunod ang tig-11 nina Rai­za Rose Dy at Afril Ber­nardino.

 

Show comments