MANILA, Philippines – Bago umalis pauwi ng Pilipinas mula sa Estonia kahapon ay ipinasuot nina Talk ‘N Text coach Jong Uichico at guard Matt Rosser-Ga-nuelas ang Tropang Texters t-shirt kay Moala Tautuaa.
Hinirang ng Talk ‘N Text ang 6-foot-7 na si Tautuaa bilang No 1 overall pick sa 2015 PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
“I’m really excited to be picked up as No. 1, but I can’t be there,” sabi ni Tautuaa na kinatawan ng kanyang amang Tongan na si Moala, Sr. at Pinay na inang si Romanita.
“I have to thank coach Ariel (Vanguardia) of Malaysia Westports Dragons for introducing Mo to the PBA,” sabi ni Moala, Sr.
Hinirang naman ng Mahindra (dating Kia) si collegiate standout Jeth Troy Rosario bilang No. 2 selection.
Sina Tautuaa at Rosario ay kasama ng Gilas Pilipinas na kumampan-ya sa isang mini tournament sa Estonia.
“Malaking tulong siya sa team. He can stretch the floor,” wika ni Mahindra assistant coach Chito Victolero sa 6’6 na si Rosario na naging susi ng National University Bulldogs sa paghahari sa nakaraang UAAP season.
Lumikha naman ng ingay ang Barangay Ginebra nang kunin si 2014 NCAA Most Valuable Player Earl Scottie Thompson bilang No. 5 overall pick matapos sina Fil-Am guard Mave-rick Ahanmisi (No. 3) ng Rain or Shine at da-ting Ateneo Blue Eagles’ guard Chris Newsome (No. 4) ng Meralco.
“Gagawin ko lang ang lahat ng makakaya ko para makatulong sa team,” sabi ng 6’1 na si Thompson sa kanyang paglalaro para sa Gin Kings ni coach Tim Cone.
Ang iba pang nahugot sa first round ay sina Baser Amer (No. 7, Meralco), Norbert Torres (No. 8, Star), Arthur Dela Cruz (No. 9, Blackwater), Glen Khobuntin (No. 10, NLEX), Kevin Racal (No. 11, Alaska) at Josan Nimes (No. 12, Rain or Shine).
Sina Almond Vosotros (No. 13, Blackwater), Bradwyn Guinto (No. 14, Blackwater), Don Trollano (No. 15, Rain or Shine, (Aljon Mariano (No. 16, Ginebra), Simon Enciso (No. 17, Rain or Shine), Marion Magat (No. 18, Alaska), Kris Rosales (No. 19, Barako Bull), JP Mendoza (No. 20, Alaska), Michael Miranda (No. 21, Barako Bull) at Abel Galliguez (No. 22, Alaska) ang nahugot sa second round.
Ang mga nakuha sa third round ay sina Jason Melano (No. 23, Blackwater), Leo De Vera (No. 24, Mahindra), Jansen Rios (No. 25, NLEX), Roi Sumang (No. 26, Globalport), Yutien Andrada (No. 27, Barako Bull), Denice Villamor (No. 28, Ginebra), Joseph Sedurifa (No. 29, Meralco), Mark Cruz (No. 30, Star), Michole Sorela (No. 31, Talk ‘N Text), Michael Mabulac (No. 32, San Miguel) at Nico Elorde (No. 33, Alaska).