LOS ANGELES – Itataya ni Ronda Rousey ang kanyang suot na UFC bantamweight crown laban kay dating boxing champion Holly Holm sa Enero 2 ng susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Rousey sa “Good Morning America” sa ABC.
Idedepensa ni Rousey ang kanyang 135-pound title sa pang-pitong sunod na pagkakataon sa pagbandera sa UFC 195 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
“Definitely my biggest challenge to date, so I’m super excited about it,” sabi ni Rousey sa kanyang pagbisita sa nasabing morning show.
Nauna nang inasahan ng mga fans ng UFC na muling lalabanan ni Rousey ang kanyang karibal na si Miesha Tate sa ikatlong pagkakataon.
Si Tate ang tanging humamon kay Rousey na nakalampas sa first round.
Imbes na si Tate ay mas pinili ni Rousey (12-0) na labanan si Holm (9-0) na may 33-2-3 wi-loss-draw ring record bilang professional boxer at nanalo ng ilang championship belts.
“She’s not the average chick that I would fight,” ani Rousey kay Holm. “She’s the best striker I’ve ever fought, and striking is something that I learned much later in my career.”
Dalawang beses nanalo si Holm sapul nang kumampanya sa UFC ngayong taon.
Ang tatlong huling laban naman ni Rousey ay tumagal lamang ng pinagsamang 1:04 minuto kung saan ang huli ay ang 34-second stoppage kay Bethe Correia ng Brazil noong Agosto 1.