^

PM Sports

Ateneo, NU volleybelles magpapalakas para sa puwesto sa semis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Ateneo Lady Eagles at NU Lady Bulldogs ang kanilang paghahabol ng puwesto sa semifinals sa pag-asinta ng panalo sa pagsisimula ngayon ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiete Conference quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Unang sasalang ang Lady Bulldogs laban sa La Salle-Dasma Lady Patriots sa ganap na ika-12:45 ng hapon bago sundan ng pagtutuos ng Lady Eagles at UP Lady Maroons dakong alas-3 ng hapon.

Walong koponan ang umabante sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Bitbit nila ang mga win-loss records sa group elimination pero inalis dito ang mga panalo na naitala sa mga napatalsik na koponan.

Dahil dito, ang Lady Eagles, na hindi natalo sa limang laro sa elims, ay may 3-0 karta habang ang Lady Bulldogs ay kasalo ang nagdedepensang kampeon FEU Lady Tamaraws, Arellano Lady Chiefs at UST Tigresses sa ikalawang puwesto sa 2-1 baraha.

Paborito ang mga UAAP teams na naglaban sa kampeonato ng liga noong nakaraang taon sa mga katunggali dahil ang Lady Patriots ay may 1-2 karta habang ang Lady Maroons ay may 0-3 baraha katulad ng St. Benilde Lady Blazers.

Si Alyssa Valdez ang mangunguna sa Ateneo bukod pa kina Jhoanna Maraguinot, Bea De Leon at Amy Ahomiro.

vuukle comment

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

BEA DE LEON

COLLEGIETE CONFERENCE

HOME ULTERA

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

LADY MAROONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with