Kailangan ng long term plan para sa Gilas--Salud
MANILA, Philippines – Ang pagkakaroon ng long-term plan ang hiling ni PBA president/chief exe-cutive officer Chito Salud para maresolba ang problema hinggil sa pagbuo sa Gilas Pilipinas pool.
Tiniyak ni Salud na handa ang PBA board of governors na makipagtulungan sa Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagbalangkas ng programa.
Iginiit din ng PBA official na kaisa ang pro league sa hangarin ng SBP na magkampeon sa dara-ting na 2015 FIBA Asia Championship at maging sa pagbi-bid para sa hosting rights ng susunod na FIBA World Cup.
Magtutungo si Salud, kasama ang PBA board at si bagong league commissioner Chito Narvasa, sa Tokyo, Japan para ipakita ang kanilang suporta sa layunin ng SBP na pangasiwaan ang world meet sa 2019.
Mananatili sila sa sidelines sa bid presentation bukas ng SBP kasunod ang kanilang annual planning session sa Linggo.
Magiging panguna-hing agenda ang national team program kung saan nagpahiram ang PBA ng 16 PBA stars sa Gilas training pool.
Sinabi ni Salud na sina June Mar Fajardo, Marc Pingris at LA Tenorio ay pinayagan ng kanilang mga mother ball clubs na sumama sa national pool.
Isang player naman ang ipinahiram ng Rain or Shine sa Gilas matapos ibigay ang tatlong Elasto Painters sa mga nakaraang national team.
“Rain or Shine is underappreciated by the people with all its support to the national team in the past. All the hits they’re getting now are not fair,” sabi ng isang league official.
Noong 2014 World Cup at sa nakaraang Asian Games ay ipinahiram ng Rain or Shine sa Gilas sina Paul Lee, Jeff Chan at Gabe Norwood. Ang isa pang Elasto Painter na si Beau Belga ay nagsilbing reserved player.
Tanging si Norwood ang ipinahiram ng Rain or Shine ngayong taon sa Gilas pool. (NB)
- Latest