Diretso sa 7 ang Letran
MANILA, Philippines - Kabuuang 54 fouls, kasama dito ang walong technical at flagrant fouls, ang naitawag sa pisikal na laro ng Letran at Lyceum.
Ngunit hindi nawala ang konsentrasyon ng Knights para talunin ang Pirates, 83-78 tampok ang tig-18 points nina Kevin Racal at Rey Nambatac para sa kanilang pang-pitong sunod na panalo sa 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Naduplika ng Letran ang kanilang 7-0 panimula noong 2013 para patuloy na pangunahan ang torneo kasunod ang five-peat champions na San Beda.
Dahil sa pagiging pisikal ng laro ay napatalsik si Joseph Gabayni ng Pirates nang sikuhin sa leeg si Nambatac sa gitna ng third quarter.
Nagdagdag si Jomari Sollano ng 11 points para sa Letran, habang nalimi-tahan sa 5 markers si point guard Mark Cruz na bahagi ng ‘Big Three’ nina Racal at Nambatac.
Sa unang laro, tinapos ng St. Benilde Blazers ang kanilang tatlong sunod na kamalasan matapos talu-nin ang San Sebastian Stags, 88-66.
Kumamada si Jonathan Grey ng 29 points, habang tumapos si Pons Saavedra na may 20 markers, tampok dito ang anim na triples, para sa ikalawang panalo ng Blazers sa pitong laro, habang nalasap ng Stags ang ikaapat nitong dikit na kabiguan.
Mula sa maliit na 20-15 abante sa first period ay kumayod ang St. Benilde sa second quarter para kunin ang 13-point lead, 43-30, patungo sa 68-49 pag-iwan sa San Sebastian.
May 1-6 record nga-yon ang Stags at ang Pirates.
ST. BENILDE 88 - Grey 29, Saavedra 20, Fajarito 11, Deles 9, Young 8, S. Domingo 5, Flores 4, Sta. Maria 2.
San Sebastian 66 - Guinto 16, Ortuoste 13, Calisaan 10, Fabian 7, Pretta 5, Bulanadi 5, Santos 3, Capobres 3, Costelo 2, David 2.
Quarterscores: 20-15; 43-30; 68-49; 88-66.
LETRAN 83 - Nambatac 19, Racal 19, Sollano 11, Quinto 9, Calvo 6, Cruz 5, Balanza 3, Balagasay 2, Publico 2.
Lyceum 78 - Nguidjol 22, Ayaay 14, Sunga 11, Gabayni 9, Baltazar 6, Bulawan 4, Ala-nes 3, Mbida 3, Soliman 2, Lacastesantos 2, Lugo 2.
Quarterscores: 19-12; 34-35; 57-55; 83-78.
- Latest