^

PM Sports

Valdez sa Shakey’s V-League naman hahataw

Pang-masa

MANILA, Philippines - Maipapakita ni back-to-back UAAP MVP Alyssa Valdez ang angking galing sa mas mataas na lebel ng kompetisyon sa women’s volleyball.

Si Valdez na tinulungan ang Ateneo Lady Eagles sa makasaysayang 16-0 sweep tungo sa ikalawang sunod na UAAP title ay maglalaro na sa Shakey’s V-League Open Conference na magsisimula sa Abril 5.

Sa PLDT kasama si Valdez at kakampi niya rito ang kasamahan sa Ateneo na si Denden Lazaro bukod pa sa NCAA MVP na si Gretchel Soltones ng San Sebastian, Amanda Villanueva ng Adamson at ang 6’4’ spiker ng National University na si Jaja Santiago.

“Alyssa is the most popular player in women’s volleyball today and her presence will definitely help the league generate more fans to watch the games live,” wika ni Ricky Palou, pangulo ng Sports Vision na nakasama ang chairman na si Mauricio “Moying” Martelino bukod pa sa mga coaches na sina Roger Gorayeb at Nestor Pamilar sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.

Si Gorayeb ang siyang coach ng PLDT at nakikita niyang palaban na ang koponan sa titulo dahil sa pagpasok ng mga bata na makakatulong ng mga bete-ranang  tulad nina Suzanne Roces, Rysabelle Devanadera, Lou Ann Latigay at Jem Ferrer.

“Maganda ang line-up dahil bumata ang team. Di tulad last year, nakikita ko na hindi na magiging problema ang pag-practice. Noon kasi hirap makapag-practice dahil may trabaho ang mga players,” wika ni Gorayeb.

Ang Army na siyang nagdedepensang kampeon ay matikas pa rin dahil nasa koponan pa sina Dindin Santia-go-Manabat, Tina Salak, Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis at ang bagong hugot na si Honey Royse Tubino.

Ang iba pang kasali ay ang Cagayan Valley, Meralco, Navy, Philippine Coast Guard, Fourbees at Baguio.

Ang Lady Rising Suns ang kampeon sa third conference noong nakaraang taon at ang koponang hawak ni Pamilar ay matikas pa dahil nasa koponan pa rin sina Aiza Maizo-Pontillas, Angeli Tabaquero, Pau Soriano, Shiela Pineda at ang UST player at UAAP Best Blocker na si Marivic Meneses.

Makadaragdag-ningning sa 12th season ang pagbibigay-buhay ng Spikers’ Turf na torneo para sa mga kalalakihan.

Walong koponan din ang kasali sa pangunguna ng IEM na kampeon sa kauna-unahang men’s tournament ng liga noong nakaraang taon.

Hahamunin sila ng Cagayan Valley, Cignal, Fourbees, Air Force, Champion Infinity, Philippine Army at Ultera.

“We decided to have two separate leagues because we believe men’s volleyball has not risen yet to the popularity of women’s volleyball because they have no identity of their own. Natatabunan sila ng babae kaya we have created a new league to help make men’s volleyball popular,” paliwanag ni Martelino.

Sa Abril 5 din ang bukas ng Spikers’ Turf pero ang mga laro sa kalalakihan ay gagawin sa umaga habang sa hapon ang kababaihan.

Dahil may pinaghahandaan ang Pilipinas na dalawang international tournaments na Women’s U-23 sa Mayo at SEA Games sa Singapore sa Hunyo, pinaigsi ang format ng dalawang liga.

Single-round robin lamang ang elimination at ang apat na mangungunang koponan ang papasok sa semifinals na isa uling round robin.

Ang dalawang mangungunang koponan ay siyang magtutuos sa titulo sa best-of-three series.

Ang mga laro ay gagawin tuwing Martes, Huwebes at Linggo at inaasahang matatapos ang liga sa Mayo 31.

Mapapanood ang aksyon sa Spikers’ Turf sa PTV-4 habang sa GMA News TV ipapalabas ang mga laro sa Shakey’s V-League. (AT)

AIR FORCE

AIZA MAIZO-PONTILLAS

ALYSSA VALDEZ

AMANDA VILLANUEVA

ANG ARMY

ANG LADY RISING SUNS

CAGAYAN VALLEY

SHAKEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with