^

PM Sports

De Jesus, ‘di muna lalaro sa Foton sa PSL

Pang-masa

MANILA, Philippines - Para asikasuhin ang mga dapat gawin, nagsabi si Ella de Jesus ng UAAP women’s volleyball champion team na Ateneo, sa Foton  management na sa susunod na PSL confe-rence pa siya lalaro ngunit makikipag-practice pa rin siya sa team para manati-ling nasa kondisyon.

Na-draft si De Jesus ng Foton ngunit inireres-peto ng management ang desisyon ng player bagama’t malaking kawalan ito sa kanila lalo na’t malaking tulong sana siya sa team.

Gayunpaman, naniniwala ang Foton na malakas pa rin sila sa kasalukuyang line-up na kinabibilangan nina Angeline Pauline Araneta, Pamela Tricia Lastimosa, Royce Estampa at May Jennifer Macatuno bukod pa sa mga core players mula sa koponan noong nakaraang taon.

“The team just underwent a team building and we can say the team is now ready, it has both the heart and hustle,” sabi ni Foton team ma-nager Alvin Lu.

Sinabi rin ni Lu na sabik na si De Jesus na makasama uli ang da-ti niyang mga Ateneo teammates na sina Angeline Gervacio, Bea Tan at Kara Acevedo.

Samantala, posible ring di muna lumaro ang isa pang Ateneo player na nakuha ng Foton sa draft na si Denden La-zaro dahil sa problem sa schedule.

Planong kumuha ni Lazaro ng medicine kaya magkaka-conflict sa kanyang schedule.

Mananatili sa Foton ang draft right kay Lazaro.

ALVIN LU

ANGELINE GERVACIO

ANGELINE PAULINE ARANETA

ATENEO

BEA TAN

DE JESUS

DENDEN LA

FOTON

KARA ACEVEDO

LAZARO

MAY JENNIFER MACATUNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with