Naka-2-golds sa day 1 ng National Open May ibubuga si Stuart
STA. CRUZ, Laguna, Philippines -- Gaya ng dapat asahan, dinomina ng Fil-American na si Caleb Stuart ang paboritong hammer throw event nang higitan niya uli ang SEAG record sa itinalang 64.81m marka sa pagbubukas ng Philippine National Open-Invitational Athletics Championships kahapon sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna.
Matapos magtala ang 24-anyos na si Stuart ng bagong Philippine record na 68.66m sa Ben Brown Invitationals sa US noong Marso 13 ay muli niyang hinigitan ang 62.23m marka sa SEA Games na hawak ni Tantipong Phetchaiya ng Thailand para patuna-yang kaya rin niya itong gawin sa Singapore SEA Games sa June.
Si Jackie Wong Siew Cheer ng Malaysia ay may 63.71m marka na lampas din sa SEAG mark para ilagay ang sarili na posibleng makalaban ni Stuart sa Singapore Games.
“I’m just starting with my new coach and we still have three months to perfect my technique,” wika ni Stuart.
Ito ang ikalawa niyang ginto sa unang araw ng apat na araw na kompetisyon na inor-ganisa ng PATAFA at suportado ni Laguna Governor Ramil Hernandez at may ayuda ng Philippine Sports Commission (PSC).
Ang unang ginto ay sa shot put sa 16.52m na mababa sa kanyang personal best na 17.88m pero sapat ito para manalo kay 2013 SEA Games silver medalist Adi Aliffuddin Hussin ng Malaysia na may 16.21m marka lamang.
Puwede pang ma-ging triple-gold medal winner si Stuart dahil kasali pa siya sa discus throw sa Linggo.
Tinabunan ng double-gold ni Stuart ang pagdodomina ni Mary Grace Delos Santos sa 10,000m run sa 38:05.83. Pumangalawa sa kanya si Jho-An Banayag sa 39:34.65 habang ang bronze ay napunta kay Janice Tawagin sa 40:39.56.
Hindi naman pinalad si Narcisa Atienza na nalagay lamang sa pa-ngalawang puwesto sa high jump sa 1.75m at kapos ng siyam na sentimetro sa 1.84m marka ni Michelle Sng ng Singapore. (AT)
- Latest