MANILA, Philippines – Aatras si Michael Christian Martinez sa pagsali sa World Figure Skating Championships sa Shanghai sa March 23-29 kung hindi siya bibigyan ng clearance ng mga doctor na umaasikaso sa kanyang hita at bukung-bukong dahil sa masamang pagkakabagsak nito sa isang practice sa ice rink sa kaagahan ng buwang ito.
Ang 18-gulang na si Martinez ay naka-base na sa Anaheim kung saan nangungupahan sila ng kanyang inang si Teresa.
Dumating siya sa Manila dalawang linggo na ang nakakaraan para dumalo sa Philippine Sportswriter Association (PSA) Awards Night kung saan tumanggap siya ng Major Award at para na rin kumonsulta sa mga doctor sa kanyang kondisyon.
Ni-rule out na ni orthopedic surgeon Dr. Manuel Pecson ng Asian Hospital ang fractures matapos makita ang mga MRI ng right ankle at right hip ni Martinez na tumama sa kanyang pagkakabagsak.
“Thank God, no fractures,” sabi ng nanay ni Martinez. “But his hip and ankle are still swollen. He’s been given stronger medicine and he’ll continue therapy. Doctors will check on his condition again this week. The chances of competing in Shanghai are getting dimmer but we’ve just gotten word that there’s advanced treatment in China so right now, we’re checking if Michael can go. Our plan is to hasten his recovery so he can compete.”
Bukod kay Dr. Pecson, nagpapatingin din si Martinez kay chiropractor Dr. Martin Camara.
Sinabi ng nanay ni Martinez na kung hindi 100 percent ang kanyang anak, ang unang Southeast Asian fi-gure skater na nakasali sa Winter Olympics ay hindi nila ipipilit. “We’re down to three weeks of training if Michael competes,” aniya. “The chances are 50-50. We’re considering to apply for a therapeutic exception certificate from the international federation.”