MANILA, Philippines – Bubuo ang Philippine Basketball Association ng selection committee na maaaring samahan ng isang independent member o “PBA outsider” sa pagsisimula ng pagha-hanap ng susunod na PBA Commissioner sa idaraos na special meeting sa susunod na Huwebes.
“In our initial brainstorming, we talked about forming a selection committee that will be composed of three, four or a maximum of five members. The question we have to answer is a suggestion of commissioner Chito Salud that we invite an independent member,” sabi ni PBA board chairman Patrick Gregorio. “That way, we show the PBA’s professionalism. The independent member could be there to break a tie,” dagdag pa nito.
Unang gagawin ng PBA board ay ang pagtatakda ng kriterya na gagabay sa mabubuong selection committee sa paggawa ng shortlist ng mga kandidato para sa Commissionership ng premier sports entertainment business ng bansa.
May ideya na si Gregorio kaugnay sa kung sino ang nararapat na papalit sa mababakanteng posisyon ni PBA Commissioner Chito Salud na tatapusin na lamang ang PBA Season 40.
“Based on my expe-rience, I agree with commissioner Chito that the man should have a marketing savvy, a trait that can help push the PBA to the next level. He should also be a crisis manager who can manage when things become emotional. It usually does in the PBA especially during the playoffs,” ani Gregorio.
“The next commissioner should have a vision for the PBA for the next five years or next 10 years. And another important trait for me is the commissioner being cha-rismatic. He should be a friend of everybody,” dagdag pa ng PBA chairman.
Ukol naman sa mga naglalabasang pangalan para sa PBA Commissionership, sinabi ni Gregorio na ito ay pawang mga ispekulasyon lamang.
“We’ll gather all possible names, all recommendations and inputs by everybody. No matter how long the list of names endorsed, the PBA will be inclusive and not exclusive. The board will then give the selection committee an X number of weeks to do the shortlist,” ani Gregorio. “But very important is the criteria. The people should know the criteria. I’m for everybody to be involved. That’s the reason why the PBA is big now because everybody’s involved. Kasama sa nagpapaganda ng PBA ay lahat ay parte ng PBA.”
Hindi siya nagulat sa mga pangalan ng mga dating PBA stars o PBA officials na nababanggit sa mga ulat.
“May mga pangalan na talagang hindi pwedeng balewalain. But there are interesting names that are coming up,” sabi ni Gregorio sa mga non-PBA personalities na inendorso na sa PBA board.
Kabilang dito ang mga pangalan nina PSC Commissioner Jolly Gomez at dating Baguio City Mayor Reinaldo Bautista.
Hindi rin dapat bale-walain sina Robert Jaworski, Ramon Fernandez, Chito Loyzaga, Lito Alvarez, Joaqui Trillo, JB Baylon at Buddy Encarnado.
“To be fair, we’ll list down all possible names. And when their names are mentioned, it does not mean they’re applying. We’ll list all names to have a bigger, better pool to get the shortlist,” ani Gregorio.
Idinagdag ni Gregorio na ang listahan ay maaa-ring hindi lamang para sa mga sports personalities/leaders na nakabase sa bansa.