Mayweather may announcement sa 2015 NBA All-Star Game?

MANILA, Philippines – Nasa New York City si Floyd Mayweather, Jr. pa­ra manood ng 2015 NBA All-Star Game.

May mga boxing ex­perts na nagsasabing ma­­aaring gamitin ni May­­weather ang natu­rang event para pormal na ihayag ang kanyang la­­labanan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Kamakailan ay sinabi ni Manny Pacquiao na nagkasundo sila ni Mayweather na ang American fighter ang gagawa ng formal announcement pa­ra sa kanilang laban.

Ginamit ni Maywea­ther ang social media para imbitahan ang lahat para sa isang pre-Valentine par­ty sa 42 West along 42nd Street sa New York.

“I want to see the whole city there,” sabi ng 37-anyos na si Maywea­ther.

Napaulat na bumisita ang undefeated boxer sa isang jewelry store sa New York at gumastos ng $685,000 sa ilang alahas.

Habang nagbaba­kasyon si Mayweather sa New York ay nagsagawa naman si Pacquiao ng gift-giving sa Sarangani.

Nagbigay ang Sarangani Congressman ng cash assistance na aabot sa P1 milyon sa mga mahi­hirap na estudyante sa Ma­lapatan sa Sarangani.

Higit sa 400 elementa­ry at high school students ang nakatanggap ng P2,000 educational assistance, habang ilang college students ay nabigyan ng tig-P5,000 mula sa Fili­pino world eight-division champion.

Nakasama ni Pacquiao sa naturang okasyon ang asawang si Jinkee, ang Vice-Governor ng Sarangani.

Show comments