Humataw si Durant
DENVER -- Nagpatuloy ang pagpasok ng mga tira ni Kevin Durant kahit ano ang gawin niyang paraan.
Tumapos ang reigning MVP na may 40 points, habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 26 para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 124-114 panalo laban sa Nuggets.
Ito ang ika-6 sunod na kabiguan ng Denver.
“My teammates were looking for me. I just tried to finish,’’ sabi ni Durant, itinala ang pang-43 career 40-point game na siyang pinakamaraming puntos ng isang player sapul nang pumasok siya sa NBA noong 2007-08. “I shot some bad shots, but luckily they went in. My teammates kept feeding me. They gave me energy. I looked to the bench, the guys were up cheering for me. That pushed me over the top a little bit.’’
Tinangka ng Nuggets na limitahan si Durant sa pamamagitan ng double teams at kaagad na pagbabantay sa kanya pagtuntong niya sa 3-point line. Ngunit wala ring nangyari.
Dinuplika ni Durant ang kanyang career best na pitong 3-pointers para sa kanyang 13-of-19 fieldgoal shooting.
Sa Indianapolis, ibinigay ng San Antonio kay coach Gregg Popovich ang ika-1,000 panalo nito matapos talunin ang India-na, 95-93.
Bumangon ang Spurs mula sa 14-point fourth-quarter deficit at nakahugot ng 18-foot baseline jumper kay Marco Belinelli sa huling 2.1 segundo para bigyan ng karangalan si Popovich.
Sa Minneapolis, umiskor si Al Horford ng season-high na 28 points, nagdagdag si DeMarre Carroll ng 26 points para sa 117-105 panalo ng Atlanta sa Minnesota.
- Latest