^

PM Sports

Ronda Pilipinas magkakawang-gawa

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagawa ang Ron­da Pilipinas 2015, ini­hahandog ng LBC, ng community service ka­sabay ng kanilang nationwide search para sa mga siklistang may potensyal na mapasama sa national team.

Sinabi ni Nena Wuth­rich ng LBC Founda­tion, nakipagtambal sa Ron­­da para sa huling apat na edisyon ng pag­da­­raos ng social works, na naglatag sila ng ilang programa kasama ang en­vironment friendly ac­tivities na sisimulan ng mangroves planting sa Bacolod sa Feb. 12.

“This is in line with LBC’s thrust to reach out to the community using Ronda Pilipinas as one of our vehicles,” wika ni Wuthrich.

Ang iba pang aktibidad na inilinya ng LBC Foundation sa Ronda ay ang pagbisita sa mga can­­cer victims ng Kythe Foundation sa Tarlac Ci­­ty sa Feb. 16, ang re­fur­bishing at pavers ins­tallation ng mapipiling eskuwelahan sa Antipo­lo City sa Feb. 17 at ang feeding program sa Da­gupan, Pangasinan sa Feb. 26.

Isang tree-planting ac­­tivities ang pinaplano rin sa Dumaguete City kung saan sisimulan ang Ronda at sa Baguio Ci­ty na pagtatapusan ng ka­­rera.

“Ronda Pilipinas is not just all about the race, it’s also about promoting local tourism by showing off some of the country’s beautiful pla­ces, doing community ser­vice and promoting en­vironmental protection,” wika ni Ronda exe­cutive director Moe Chu­lani.

Pakakawalan ng Ron­­da ang isang three-stage Visayas Quali­fying Leg sa Feb. 11-13 sa Negros island kung saan may nakalatag na 54 slots (50 elite at 4 juniors).

Susundan ito ng two-stage Luzon qualifier sa Feb. 16 at 17 sa Tarlac at Antipolo City na magtataya ng 34 spots (30 elite, 4 juniors).

Ang 88 Visayas at Lu­zon qualifiers ang ma­kakasama ni 2014  champion Reimon La­pa­za ng Butuan, bukod pa sa nine-man national team na pamumunuan ni Mark Galedo at isang composite European team sa Championship round sa Feb. 22-27 sa Greenfield City sa Sta. Ro­sa at magtatapos sa Ba­guio City.

Magsisimula ang Stage One ng Visayas sa Neg­ros Oriental Provincial Capitol at magtatapos sa Silay City Plaza (172.7 kilometers para sa elite, 120.2 kms para sa juniors) kasunod ang Stage Two sa Bacolod Ci­ty Plaza na magwa­wakas sa Bacolod Go­vernment Center via Don Salvador Benedic­to at San Carlos (158 kms para sa elite, 110.5 kms para sa juniors) sa Feb. 12, habang ang Stage Three ay sisimulan sa Negros Occidental Pro­­vincial Capitol.

ANTIPOLO CITY

BACOLOD CI

BACOLOD GO

BAGUIO CI

FEB

RON

RONDA

RONDA PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with