MANILA, Philippines – Ipinagbunyi ng isang grupo sa karamihan na nagwawagayway ng maliliit na Philippine flags nang tawagin ang pangalan ni Manny Pacquiao.
Ang eight-division boxing champion ay nasa ibang arena kahapon kung saan siya lumakad sa red carpet para magsilbing judge sa 2015 Miss Universe pageant.
Ang venue ay sa Florida International University sa Doral City.
Nakasuot ang 36-anyos na si Pacquiao ng black coat at tie at tumayong judge number one.
Ibinigay ni Pacquiao ang kanyang katanungan kay Miss USA Nia Sanchez, nakapasok sa top five kasama ang mga pambato ng Netherlands, Jamaica, Ukraine at Colombia.
“If you were given thirty seconds to deliver a message to a global terrorist, what would you say?” sabi ng iconic boxer mula sa Philippines.
Muling ipinaulit ng 24-anyos na si Sanchez ang tanong bago nakapagbigay ng sagot.
“I would just say that I know as Miss USA and I can always spread the message of hope and love and peace,” sabi ni Sanchez mula sa Las Vegas.
“I so I would do my very best to spread that message to them and everyone else in the world,” dagdag ng American beauty.
Maiksi at malinaw ang kanyang sagot.
Sa huli ay si Sanchez, tumayo kasama si Miss Colombia, Paulina Vega, ang hinirang na Miss Universe.
Bago nagtungo sa Florida ay nagmula muna si Pacquiao sa London kung saan nila nakasalo ng kanyang asawang si Jinkee si Prince Harry sa isang hapunan.
Niregaluhan ni Pacquiao si Prince Harry ng isang pares na signed boxing gloves na may Philippine colors.
Nasa negosasyon pa rin ang laban ni Pacquiao kay American Floyd Mayweather Jr. na sinisikap mangyari sa May 2 sa MGM Grand sa Las Vegas.