May pinaghugutan ang Ateneo
MANILA, Philippines – Sa puntong tila hawak na ng La Salle Lady Archers ang momentum ay huminga ng malalim at humugot sa pagiging isang nagdedepensang kampeon ang Ateneo Lady Eagles para maipanalo ang ikaapat at limang sets tungo sa 25-22, 25-27, 16-25, 25-14, 15-9 tagumpay sa pagtatapos ng first round ng elimination ng 77th UAAP women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tulad sa tagisan ng dalawang koponan para sa kampeonato noong nakaraang taon, napuno ng tension ang laban at tila dehado na ang Lady Eagles ngunit nagawan pa rin ng paraan para manalo at angkinin ang 7-0 karta.
Nagbago ang ihip ng hangin nang gumana uli ang laro ni Alyssa Valdez sa puntong hawak ng La Salle ang 7-4 bentahe para angkinin ang set at palawigin sa deciding set ang labanan.
Nakauna uli ang Lady Archers sa 7-5, sa block ni Mika Reyes sa fifth set ngunit hinalinhinan ni Amy Ahomiro si Valdez at nagpakawala ng tatlong krus-yal na puntos na sinabayan pa ng limang pinagsamang errors nina Cydthealee Demecillo, Mary Joy Baron at Kim Fajardo para makumpleto ang pagba-ngon mula sa 1-2 iskor sa best-of-five sets.
May 26 hits si Valdez na sinahugan ng 20 kills at tatlong blocks, si Ahomiro ay mayroong 13 hits at sina Ella De Jesus at rookie Isabelle de Leon ay nagtala ng tig-siyam na puntos para pasiyahin ang tagahanga na nakipagsiksikan at bumuo sa 18,489 tao na nanood ng laro.
Bumaba sa 6-1 ang Lady Archers na pinangunahan ni Ara Galang sa kanyang 11 puntos.
Nagpakawala ng 21 attack points at may limang blocks tungo sa 26 puntos si Jaja Santiago para tulu-ngan ang National University Bulldogs sa kanilang ikalawang sunod na panalo at pumapangatlong 4-3 baraha sa 25-17, 25-16, 22-25, 25-19 panalo sa Adamson Lady Falcons.
Samantala, pinigil ng Ateneo Eagles ang tangkang sweep ng nagdedepensang kampeon National University Bulldogs sa inangking 20-25, 25-21, 18-25, 25-19, 15-10 win sa men’s division.
Nasa una pa rin ang NU sa 6-1 habang ang Ateneo at pahingang UST ay magkasalo sa ikalawang puwesto sa 5-2 baraha. (AT)
- Latest