^

PM Sports

Detroit iniligtas ni Jennings

Pang-masa

SAN ANTONIO -- Binigyan ng San Antonio Spurs ang Detroit Pistons ng pag-asa.

At ito ang siyang sinamantala ni Brandon Jennings nang makuha niya ang masamang inbounds pass ni Tim Duncan at nagsalpak ng isang 11-foot jumper sa huling pitong segundo na nagbigay sa Pistons ng 105-104 panalo laban sa Spurs.

Ito ang ikaanim na sunod na panalo ng Detroit.

Nag-ambag naman ng double-doubles sina Andre Drummond at Greg Monroe para sa Pistons na nakabangon mula sa 18-point deficit sa first half.

“We are getting better,” sabi ni Detroit coach Stan Van Gundy. “If you stay in there, sometimes you get a break. We had a very good break at the end. We got lucky at the end. Our resolve to stay in the game right down to the last few seconds was huge.”

Kumolekta si Drummond ng 20 points at 17 rebounds at nagdagdag si Monroe ng 17 points at 11 boards.

Tinapos ng Pistons ang kanilang four-game skid sa San Antonio (21-15).

Nagtala si D.J. Augustin ng 19 points para sa Detroit (11-23) na hindi pa natatalo matapos pakawalan si Josh Smith noong Dec. 22.

Naglaro naman si San Antonio point guard Tony Parker ng 13 minuto sa kanyang pagbabalik mula sa five-game absence dahil sa strained left hamstring.

Ang Spurs ay may 6-7 record nang wala si Parker.

Nakabalik sa laro ang Spurs sa kanilang limang 3-pointers sa fourth quarter ngunit nagtala ng 4-for-7 shooting sa free throws sa huling dalawang minuto.

Binigyan ng San Antonio ng foul si Jodie Meeks ng Detroit matapos ang split ni Patty Mills sa huling 10.8 segundo na nagbigay sa Spurs ng 104-101 abante.

Kumonekta naman si Meeks ng dalawang free throws na nagdikit sa Pistons sa 103-104 sa natitirang walong segundo.

Ang masamang inbound pass ni Duncan para kay Mills ay nakuha ni Kentavious Caldwell-Pope at ipinasa ang bola kay Jennings para sa panalo ng Detroit.

Sa Milwaukee, kumamada si Markieff Morris ng 26 points at humaltak ng 10 rebounds para ihatid ang Phoenix Suns sa 102-96 panalo kontra sa Bucks.

Nag-ambag si Isaiah Thomas ng 19 markers, habang may 16 si Goran Dra-gic para sa Suns.

Pinangunahan naman ni Brandon Knight ang Bucks sa kanyang 26 points kasunod ang 16 ni Giannis Antetokounmpo.

Ito ang pang-apat na sunod na kabi-guan ng Milwaukee sa kanilang tahanan.

ANG SPURS

BINIGYAN

BRANDON JENNINGS

BRANDON KNIGHT

DETROIT PISTONS

DRUMMOND

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

GREG MONROE

ISAIAH THOMAS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with