Wesley sasabak sa blitz
MANILA, Philippines – Hangad ni Filipino Grand Master Wesley So na matagumpay na simulan ang 2015 sa pagsagupa kay top American GM Hiraku Nakamura sa isang blitz death match.
Nagmula si So sa apat na first place finishes at isang runner-up effort para umangat sa No. 10 mula sa No. 28 sa FIDE rating list.
Si So, kumakatawan ngayon sa US matapos magpalit ng chess federations, ay may 2762 ELO rating, habang bitbit ni Nakamura ang 2776 bilang No. 9.
Sa blitz ay hawak ni Nakamura ang 2887 sa ilalim ng 2948 ni world champion at blitz king Magnus Carlsen kumpara sa 2726 ni So.
Haharapin ni So si Nakamura na may lakas ng loob matapos magkampeon sa nakaraang Capablanca Memorial sa Cuba, ACP Golden Classic sa Bergamo Italy at sa Millionaire Chess Open at sa North American Open sa Las Vegas, Nevada.
Pumangalawa siya sa Edmonton Open sa Alberta, Canada.
Gagamitin din ng tubong Bacoor, Cavite na si So ang laro bilang pinakahuli niyang tune up match bago sumabak sa mabigat na 77th Tata Steel Masters sa Jan. 10 sa Wijk aan Zee, The Netherlands.
- Latest