Rondo ibinigay ng Boston sa Dallas

BOSTON -- Dadalhin ng Boston Celtics si point guard Rajon Rondo sa Dallas na naghiwalay sa kanya bilang pinakahuling miyembro ng NBA championship team ng Celtics, habang nagbigay naman ito kay Dirk Nowitzki at sa Mavericks ng tsansa para sa korona.

Ibibigay ng Cel-tics sina Rondo at forward Dwight Powell sa Mavericks kapalit nina Jameer Nelson, Jae Crowder, Brandan Wright, dalawang draft picks at isang $12.9 million trade exception.

“Welcome to Rajon Rondo the newest member of the Dallas Mave- ricks,’’ isinulat ni team owner Mark Cuban sa kanyang social media application na Cyber Dust ilang sandali bago ang official announcement.

Pinasalamatan din ni Cuban ang tatlong dati niyang players at tinawag silang ‘’Amazing players and better people.’’

Nakamit ng Boston ang isang first-round pick para sa 2015 draft at isang second-rounder para sa 2016.

Ang Celtics ay mayroon nang walong first-round picks sa susunod na apat na taon mula sa mga trades kina Kevin Garnett at Paul Pierce at maging kay coach Doc Rivers.

Hanap ngayon ng Boston ang bago nilang ‘Big Three’ kapalit nina Garnett, Pierce at Ray Allen na nagbigay sa kanila ng pang-17 NBA title noong 2008.

 

Show comments