2 Pinoy riders kumuha ng bronze medal

MANILA, Philippines – Gumawa ng marka  si­na John Derick Farr at Arianne Dormitorio nang maging kauna-una­hang me­da­lists ng ban­sa sa Asian Mountain Bike Championships sa Lubuk Linggau, Indonesia.

Ang 18-anyos na si Farr ay sumali sa Downhill Elite at nagpakilala siya sa kinuhang bronze medal mula sa dalawang minuto at 29.12 segundong tiyempo.

Tumalo kay Farr ang mga beteranong sina Sueb­sakun Suk-Chanya ng Thailand (2:27.38) at Ka­zuki Shimzi ng Japan (2:28.85) para sa ginto at pilak na medalya.

Ang ikalawang me­dalya ng bansa ay naihatid ng 18-anyos na si Dormitorio sa larangan ng Cross Country Women  Junior sa 1:07.50 oras.

Nagawa ito ni Dormitorio kahit nagkaproblema siya sa handle bar ng kanyang bisikleta sa ikatlo at huling lap ng karera.

Si Warinothorn Phetpraphan ng Thailand ang nanalo ng ginto sa 1:04.35 oras, habang si Japanese rider Takaho Nakashima ang nag-uwi ng pilak sa 1:05.39 bilis.

Ang beteranong si Ni­ño Surban ay sasalang pa sa Elite Cross Country pa­ra magkaroon ng posibi­lidad na madagdagan pa ang medalyang bibitbitin ng koponang ipinadala ng PhilCycling.

Show comments