MANILA, Philippines – Humugot ang Pilipinas ng isang silver at tatlong bronze medals kasabay ng pag-aagawan ng Korea at Vietnam sa gold medal sa ikatlong araw ng 9th WTF World Taekwondo Poomsae Championships sa Aguascalientes, Mexico.
Nabigo sina Jeordan Dominguez at Jocel Lyn Ninobla sa freestyle pair over-14 event matapos matalo kina Vietnamese Thi Thuy Dung Ngo at Than Trung Le (8.080) via .020 points.
Tinatarget sana ni Dominguez ang kanyang ikalawang gintong medalya sa nasabing four-day, 46-nation tourney matapos manalo sa freestyle mixed team over-30 competition katuwang sina Glenn Lava, Jaylord Seridon, Janice Lagman at Rani Ortega.
Bumandera ang tambalan nina Dominguez at Ninobla kontra kina Nikolai Avdonkin at Nadeshda Pak (7.620) ng Russia at laban kina Long Nguyen at Heather Huynh (7.340).
Ang ikalawang bronze medal ng bansa ay nanggaling kay Rinna Babanto sa female individual under-17.