^

PM Sports

May aasahan sa Wushu sa 2015 Singapore SEAG

Pang-masa

MANILA, Philippines - Handang bitbitin ng Wushu Federation Philippines (WFP) ang magandang ipinakita sa Asian Games sa Incheon sa pagkampanya sa South East Asian (SEA) Games sa Singapore sa susunod na taon.

Ayon kay WFP secretary-general at Chief of Mission sa 2015 SEA Games na si Julian Camacho, malaki ang kanyang  tiwala na kayang pangunahan ng ipadadalang wushu delegation ang kampanya ng Pilipinas dahil limang ginto ang balak nilang sungkitin sa Singapore.

“Ang sabi sa akin ng  coach namin na si Samson Co ay kaya apat hanggang limang gold medals. Kaya ito ang gagawin namin. Kung di namin makuha ito, hindi na kami uuwi,” ani Camacho.

Sina Camacho at WFP president Tan Shi Ling ang nanguna sa pagbibigay pasasalamat sa mga atletang sina Daniel Parantac, Jean Claude Saclag at Francisco Solis noong Miyerkules ng gabi na ginawa sa Century Hotel.

Sina Parantac at Saclag ay naghatid ng tig-isang pilak sa larangan ng taijijian/taijiquan sa taolo at sa 60-kg sa sanda, ayon sa pagkakasunod. Si Solis ay nanalo ng bronze medal sa sanda 56-kg.

“Hindi kami masaya dahil wala kaming nakuha na gold medal pero alam namin na ibinigay ng mga atleta ang lahat ng kanilang makakaya. May sapat na panahon para mapaghandaan ang Singapore SEA Games,” dagdag ni Camacho.

Hindi kukulangin ang suporta ng WFP dahil isa ito sa priority sports ng Philippine Sports Commission (PSC) na kinatawan sa kaganapan ni executive director Atty. Guillermo Iroy Jr.

“Ang wushu ay isang sport na palaging naghahatid ng karangalan sa Pilipinas. And being part of the prio-rity sports, PSC under the leadership of chairman Ricardo Garcia, will fully support their program for 2015, especially for the 2015 SEA Games,” wika ni Iroy.

Nakiisa rin sa seremonya si POC president Jose Cojuangco Jr. na inengganyo ang iba pang wushu artists na gawing inspirasyon ang mga medalists para sila ay gumaling pa sa mga susunod na mala-laking kompetisyon na sasalihan ng bansa.

Ang kanilang financial incentives base sa Incentives Act ay kanilang matatanggap sa Nobyembre 7 kasama ng First Friday Mass ng POC. (AT)

vuukle comment

ASIAN GAMES

CAMACHO

CENTURY HOTEL

CHIEF OF MISSION

DANIEL PARANTAC

FIRST FRIDAY MASS

FRANCISCO SOLIS

GUILLERMO IROY JR.

INCENTIVES ACT

JEAN CLAUDE SACLAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with