West may right ankle sprain

INDIANAPOLIS – Isang right ankle sprain ang na­lasap ni Indiana Pacers’ power forward David West sa kanilang 98-93 panalo sa Dallas Mavericks sa isang exhibition game.

Bumagsak si West sa sahig salo ang kanyang ka­nang bukung-bukong matapos masupalpal ang kanyang tira sa ilalim ng basket ni Al-Farouq Aminu ng Dal­las sa third period.

Tinulungan siyang makatayo ng kanilang medical staff at idiniretso sa locker room.

Hindi na nagbalik si West sa laro at tumapos na may 16 points para sa Pacers.

Show comments