Drummond nagbida sa panalo ng Pistons

ATLANTA – Kumolekta si Andre Drummond ng 19 points at 14 rebounds para ihatid ang Detroit Pis­tons sa 104-100 panalo laban sa Atlanta Hawks sa isang exhibition game.

Nagdagdag si Brandon Jennings ng 16 points at 11 assists para sa Detroit (4-2), habang may 15 si Kyle Singler at tig-14 sina Josh Smith at D.J. Augustin.

Pinamunuan naman ni Jeff Teague ang Hawks (2-3) sa kanyang 16 points at 10 assists.

Nag-ambag si Kyle Korver ng 15 points, tampok ang 3-of-7 shooting sa 3-point range, kasunod ang 14 ni DeMarre Carroll.

Nagmula ang Pistons sa kabiguan sa Orlando Ma­gic noong Biyernes.

Sa Indianapolis, bumangon ang Pacers mula sa 14 -point deficit sa fourth quarter para resbakan ang Dallas Mavericks, 98-93.

Sa huling 31 segundo ay naagaw ng Indiana ang ka­lamangan para talunin ang Dallas.

Binura ng Pacers ang naturang double-digit deficit sa pamamagitan ng 18-3 ratsada para balikan ang Mave­ricks.

Umiskor si David Sloan ng 12 sa kanyang 15 points sa fourth period at ibinigay sa Indiana ang 95-93 bentahe.

Sa San Antonio, kumamada si rookie Shabazz Napier ng 25 points, kasama dito ang apat na free throws sa huling minuto ng laro, para igiya ang Miami Heat sa 111-108 overtime victory laban sa Spurs.

Ito ang unang pagkikita ng Miami at San Antonio ma­tapos talunin ng Spurs ang Heat sa nakaraang NBA Finals.

Naglista si Tyler Johnson ng 17 points, habang may 16 si Andre Dawkins at tig-11 sina Danny Gran­ger at Mario Chalmers para sa Miami (2-4).

Nagposte si Marco Belinelli ng 18 points kasunod ang 17 ni Kyle at tig-11 nina JaMychal Green at Tim Dun­can.

Show comments