Heat pinayukod ang Warriors
KANSAS CITY, Mo. – Umiskor si Chris Bosh ng 21 points at nagdagdag sina Luol Deng at Shawne Williams ng tig-19 markers para pangunahan ang Miami Heat sa 115-108 panalo laban sa Golden State Warriors.
Naghabol sa 102-103 agwat sa huling 5:16 minuto, tumipa si Mario Chalmers ng three-pointer para ibigay sa Heat (1-4) ang 102-103 bentahe.
Si Klay Thompson ay nagtala ng 27 points para sa Warriors (4-1), habang may 22 si David Lee.
Kinuha ng Warriors ang 56-47 kalamangan sa first half at nagtayo ng 12-point lead sa third quarter bago nakabangon ang Heat sa final period.
Sa Cleveland, kumamada sina Chandler Parsons at Jameer Nelson ng tig-19 points para igiya ang Dallas Mavericks sa 108-102 panalo kontra sa Cavaliers.
Nag-ambag si Dirk Nowitzki ng 16 points at 9 rebounds para sa Mavericks, umarangkada sa fourth quarter nang ipahinga ng Cavaliers sina LeBron James at Kyrie Irving.
Hindi naglaro si Kevin Love para sa Cleveland.
Sa Los Angeles, nagsalpak sina Chris Paul at Jamal Crawford ng magkasunod na 3-pointers sa huling minuto ng laro para tulungan ang Los Angeles Clippers sa 101-97 panalo laban sa Utah Jazz.
Tumapos si Crawford na may 25 points at nagdagdag ng 24 si Spencer Hawes.
Umiskor si power forward Blake Griffin ng 17 points at nagdagdag si Paul ng 11 points at 9 assists para sa Clippers (1-3).
Pinamunuan naman ni Gordon Hayward ang Utah (4-1) sa kanyang 22 points kasunod ang 21 markers ni Trey Burke at 19 ni Derrick Favors.
- Latest