Matthews nagbida sa panalo ng Portland

PORTLAND, Ore. – Tumipa si Wesley Matthews ng 22 points, habang may 17 of 25 shooting sa 3-point range ang Portland Trail Blazers para gibain ang Los Angeles Clippers, 119-114, sa isang exhibition game.

Nagsalpak si Matthews ng 6-of-7 clip sa 3-point line para pamunuan ang Portland sa kanilang unang panalo sa preseason sa tatlong laro.

Nagposte naman si C.J. McCullum ng limang 3-pointers para sa kanyang 19 points.

Si Blazers All-Star forward LaMarcus Aldridge ay may 8-of-8 shooting sa free throw line para tumapos na may 16 points. Umiskor si Los Angeles guard Jamal Crawford ng 23 points kasunod ang tig-15 nina  Chris Paul at Spencer Hawes para sa Clippers (0-2).

Show comments