^

PM Sports

CEU kampeon ng WNCAA basketball

Pang-masa

MANILA, Philippines – Inangkin ng Centro Escolar University ang kanilang ikaapat na sunod na seniors crown via two-game sweep, samantalang lumapit naman sa pagkopo sa titulo ang De La Salle Zobel at ang Chiang Kai Shek sa kanilang mga dibisyon sa 45th WNCAA basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum noong Linggo.

Tinalo ng CEU ang Rizal Technological University, 64-62, sa seniors category kung saan nakolekta ni star player Janine Pontejos ang kanyang pangatlong sunod na Most Valuable Player award.

Nauna nang sinikwat ng Lady Scorpions ang Game 1, 66-56 noong Setyembre 28.

Pumangatlo naman ang San Beda College Alabang matapos tapusin ang elimination round sa 4-2 at natalo sa RTU sa semifinals, 77-57.

Pinayukod din ng CEU ang RTU, 2-0, sa senior futsal finals noong nakaraang linggo.

Ang RTU ang nagkampeon sa nakaraang apat na seasons.

Sa midgets division, giniba ng nagdedepensang DLSZ ang St. Stephen’s High School, 41-17, habang dinaig ng defending junior champion CKSC ang host La Salle College Antipolo, 54-50,  sa ligang suportado ng Mikasa, Molten, OneA Bed and Breakfast, Goody, Monster Radio RX 93.1 at AksyonTV.

BED AND BREAKFAST

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

CHIANG KAI SHEK

DE LA SALLE ZOBEL

HIGH SCHOOL

JANINE PONTEJOS

LA SALLE COLLEGE ANTIPOLO

LADY SCORPIONS

MONSTER RADIO

MOST VALUABLE PLAYER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with