Napaka-in-demand daw ng tickets sa laro ng Gilas Pilipinas sa Asian Games.
Marami kasing Pinoy sa Korea na sumuporta sa Gilas.
Kahit mismong ang mga taga-Philippine Se-cretariat, nahirapang kumuha ng tickets para sa mga sports officials na nanood.
Nung laban kontra sa Kazakhstan, maraming hindi nakapasok na Pinoy dahil wala na raw mabiling tickets pero ang nakapagtataka, marami pang bakanteng upuan sa loob ng venue.
Pagkatapos masibak sa medal contention ang Gilas, siyempre konti na lang ang demand.
* * *
May nakakatawang pangyayari sa Asian Games nang tumawag ang isang opisyal ng Incheon organi-zing committee kay Chief of Mission Richie Garcia para humingi ng paumanhin.
Nagso-sorry ang opisyal dahil mayroon daw silang malaking pagkakamali.
Napagkamalan nilang isang royalty ang golfer na si Princess Mary Superal.
Sa pag-aakalang isang prinsesa si Superal, naisip nilang hindi nila ito nabigyan ng royalty treatment nang dumating sa Athlete’s Village.
* * *
Kumuha naman ng atensiyon ang taekwondo athlete na si Pauline Louise Lopez pagdating niya sa Korea.
Marami ang napapatingin kay Lopez na isang ‘head turner’ sa kanyang angking kagandahan.
Nang magpunta ito sa gym para mag-work-out, napatigil ang mga atleta mula sa Hong Kong na nasa gym at binati siya ng mga ito pagdaan niya.
* * *
Kinailangang magpagawa ng mga bagong uniporme para sa mga boxers na napakamahal matapos ipagbawal ang kanilang mga dalang uniporme na may logo ng PLDT.
Bago ang Asian Games, nilinaw ng Amateur Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) kay International Boxing Association (AIBA) director Ho Kim kung puwede ang mga jersey na may PLDT logo na matagal na nilang ginagawa sa mga nilahukang torneo.
Wala naman daw problema sabi ng opisyal pero pagdating ng kompetisyon ay ipinagbawal ang kanilang uniporme kaya mga hiniram na Wesing uniforms ang kanilang ginamit sa mga naunang araw.
Ura-uradang nagpagawa ang ABAP ng uniporme sa Korea at dahil pina-rush ito, napamahal sila.
* * *
Mayroon palang inilagay na billboard sa harap ng Philippine Sports Commission building sa Vito Cruz, Manila para sa medal tally sa Asian Games.
Nakalista ang top-15 countries na pinangungunahan ng China kasunod ang Korea at Japan.
Ang unang napapansin ng mga dumadaang tumi-tingin dito ay wala sa medal tally ang Philippines.
Hanggang kahapon ay wala pang gold medal ang 150-atletang Phl Team na ang tanging ipagmamalaki ay ang dalawang silver at dalawang bronze.